Gen. Lucas, lansagin mo ang raket ni Ka Rudy sa Antipolo!
Walang katalu-talo ang raket ni alyas Tata Rudy sa larangan ng pasugalan sa Antipolo City, ang balwarte ng mga pulitikong angkan ng mga Ynares. Ayon sa mga kosa ko, nais ni Tata Rudy na kasosyo siya sa lahat ng sugal-lupa na papasok sa siyudad ni Mayor Junjun Ynares. Kaya walang talo, dahil sosyong-laway lang itong si Tata Rudy. ‘Ika nga, kapag nananalo ang bangka sa palarong perya, abayyy kahati si Tata Rudy sa kita.
Ang masaklap lang, kapag talo ang bangka, nawawala at hindi makontak si Tata Rudy. Hehehe! Walang talo nga itong si Tata Rudy, na siyang nagpapatakbo rin ng palarong Small Town Lottery ng PCSO sa Antipolo City.
Kapag hindi ka naman tumalima sa kagustuhan ni Tata Rudy, may naiibang gimik naman siya. Kapag kumikita na ang palaro mong perya, abayyyyy tatabihan ni Tata Rudy ang puwesto mo ng kabakas niya. Ang masaklap lang, ipapa-raid ka ni Tata Rudy na ang mga security ay taga-S2 ng Rizal PPO. Magulang talaga itong si Tata Rudy, kaya lang habang tuluy-tuloy lang ang raket n’ya, ang pangalan naman ng mga Ynares ay sinisira n’ya. Tsk tsk tsk!
Kapag sumemplang ang mga Ynares sa Antipolo City sa darating na 2025 local elections, wala ng ibang dapat sisihin kundi itong raket ni Tata Rudy. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Para sa kaalaman n’yo mga kosa, si Tata Rudy ay isang retiradong pulis. Sagradong bata ito ng matandang Ynares kaya’t nagagawa niya ang gusto n’ya na walang nakikialam, pulis man o pulitiko. Ano pa nga ba? Ang gamit niyang kolektor ay ang pinsan niyang si alyas Nano, na matalas tumara sa mga financiers ng sugal lupa.
Totoo ba na ang tara ni Nano sa mga financiers ng peryahan ay P30,000 at ang para naman. Sa Mayor’s Squad ay P5,000? Tsk tsk tsk! Mabilis maging milyonaryo sina Tata Rudy at bata niyang si Nano, ‘no mga kosa? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Naging topic ko na itong si Nano, kaya lang hindi naman siya natinag dahil hindi kayang wakasan ni Col. Ryan Manongdo, ang hepe ng Antipolo City police, ang raket nila ni Ka Rudy. Si Calabarzon police chief Brig. Gen. Kenneth Lucas kaya? Gamit na gamit ni Nano ang pangalan ni Manondo at buong akala ng mga financiers ay hindi n’ya ito alam, subalit mali pala. Tsk tsk tsk! Itong bagman na si SSgt. Pacheco pala ang kausap ni Nano para kay Manongdo, ayon sa mga kosa ko. Eh di wow!
Sobrang tumara si Nano, kaya’t ang Marites ay paraan lang nila ni Ka Rudy ito para mag-alisan ang peryahan sa Antipolo City at masolo nila. Dipugaaaaa! Mataas ng tumara itong si Nano at madalas pang humirit ng bote at lechon para kay Col. Manongdo. Hayan, alam n’yo nga mga kosa kung bakit hindi kayang sibakin ni Col. Manongdo si Nano. Tsk tsk tsk! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Teka nga pala! Alam kaya ni Gen. Lucas na taga-S2 o intel ng Rizal PPO ang security ni Tata Rudy? Hindi ba na kung may threat sa buhay ni Tata Rudy ay sa PSPG s’ya mag-apply at kumuha ng security escort? AbayyyyY VIP pala si Tata Rudy. Paging Gen. Lucas! Pakibusisi mo nga itong estado ni Tata Rudy! Abangan!
- Latest