^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Taas presyo ng mga bilihin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Taas presyo ng mga bilihin

Inaprubahan na ng pamahalaan ang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa susunod na buwan. Maraming produkto ang tataas at tiyak na apektado ang mga karaniwang Pilipino. Hindi lang basta-basta ang gagawing paghihigpit ng sinturon ng mga karaniwang mamamayan sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin. Ang nakakaawa ay yung wala nang ihihigpit pa ng sinturon sapagkat sagad na. Sakal na sakal na.

Noong nakaraang linggo, inihayag ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) na tataas ang presyo ng pandesal at Pinoy Tasty. Ang bawat piraso ng pandesal ay magiging P2.55 na mula sa dating P2.35. Pati ang Pinoy Tasty ay tataas din mula sa dating P35.00 ay magiging P38.00 na. Ang pagtaas ng pandesal at Pinoy Tasty ay dahil sa pagtaas ng presyo ng arina, asukal at pati LPG. Ayon pa sa PhilBaking, ang 25-kilo bag ng arina ay P995 na mula sa dating P690.

Pero hindi lamang pala pandesal at Pinoy Tasty ang tataas kundi halos lahat na ng pangunahing pangangailangan ng Pinoys. Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), inaprubahan nila ang pagtataas ng presyo ng sardinas, instant noodles, karne, corned beef, meat loaf, gatas, naka-botelyang inuming tubig, sabong pampaligo, sabong panlaba, battery, kandila at marami pang iba.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez ang pagtataas sa presyo ay inaprubahan dahil sa mataas na gastos sa produksiyon. Ganunman, pinaalalahanan ni Lopez ang mga kompanya na dapat ay justified ang pagtataas at protektado ang consumers.

Tuloy na tuloy na sa susunod na buwan ang taas presyo ng mga pangunahing bilihin. Wala nang makakapigil sapagkat inaprubahan na ng pamahalaan. Kawawa ang mga kakarampot ang kinikita at naapektuhan ng lockdown dahil sa pandemya.

Tiyak maraming magdidildil ng asin dahil hindi na makakaya ang taas ng bilihin. Teka, nagtaas din ang asin. Ang iodized rock salt ay magiging P15.70 and 500-g mula sa dating P11.25.

LPG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with