^

PSN Opinyon

Bayanihan fund

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man nakababangon ang bansa sa sumadsad na ekonomiya matapos ang mahigit ang isang taong lock­down, nahaharap na naman sa mahigpit na lockdown dahil sa pagdami ng COVID cases. Kaya ang pakiusap ng pama­halaan, sundin ang health protocol upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso. Puno na naman ang mga ospital sa kasalukuyan at kinakapos na ng mga doktor at narses.

Pero sa kabila ng kahirapang pinagdaraanan dulot ng pandemya, nakakatuwang marinig ang pangingibabaw ng bayanihan ng mamamayan at mga maiimpluwensiyang tao sa lipunan. Nang tumama ang pandemya sa bansa, kaliwa’t kanan ang pagtulong ng mga may ginintuang puso at mga negosyanteng kababayan. Kahit ordinaryong­ mamamayan ay nagsibing bayani na sa maliit na naka­ya­­nan ay nagbigay ng tulong.

Halos lahat ng bilyonaryo sa bansa ay tumulong para maibsan ang hirap na dinaranas ng mga Pilipino. Ang pagsaklolo ng mga ordinaryong tao at bilyonaryo sa gob­yerno sa gitna ng pandemya ay patunay na buhay na buhay ang bayanihan sa mga Pilipino. Kaya saludo ako sa mga nag-donate sa Bayanihan fund.

Base sa infographics ng CNN, mahigit P8 bilyon na ang mga kontribusyon sa Bayanihan fund. Ang mga donors ay kinabibilangan  ng mga sumusunod: Jollibee ni Tony Tan Caktiong, Udenna Group ni Dennis Uy, Vista Land owner Manny Villar, Aboitiz Group, Metrobank ng pamilyang Go­kongwei, SM Group, Manny Pangilinan, Araneta Group, San Miguel Corporation ni Ramon Ang, Andrew Tan, mga Ayala, Lopez Group, Resorts World, Okada, City of Dreams, National Grid Corporation of the Philippines at iba pa.

Nagbigay din ng tulong ang pambansang kamao na si Senador Manny Pacquiao. Ramdam niya ang panga­nga­ilangan ng mga kababayan sa ganitong sitwasyon kaya bukas palad na nagbigay ng tulong lalo na sa mga nawalan ng trabaho. Sa kabuuan, halos P1 bilyon ang naitulong ni Pacquiao at pangalawa ito sa may malaking naitulong sa panahon ng pandemya. Personal na nag-ikot ang senador upang maghatid ng tulong. Si Pacquiao lang ang natatanging opisyal ng gobyerno na nasa listahan ng donors.

Sana masundan ito ng mas marami pang opisyal ng gobyerno para lumaki pa lalo ang Bayanihan fund dahil mas malaking tulong ang kailangan ng bansa ngayong may pandemya.

Sa iba pang mayamang pulitiko, batid ko, may mga sobra kayo riyan aba’y itulong n’yo rin sa gobyerno para mas ramdam ng taumbayan ang inyong malasakit, hindi yung pagsisilid ang inyong naiisip para sa darating na eleksiyon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with