^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Saka na magluwag kapag mayroon nang bakuna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Saka na magluwag kapag mayroon nang bakuna

Bukas ihahayag ni President Duterte kung isasailalim sa mas maluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa o mananatili pa rin sa istriktong general community quarantine (GCQ). Karamihan sa mayors sa Metro Manila ay pabor na luwagan na ang restrictions para naman gumalaw na ang ekonomiya. Masyado na anilang bagsak ang ekonomiya na pumalo sa 9.5 percent noong nakaraang taon dahil sa pandemya. Kailangan nang luwagan para marami na ang makapagbukas na establisimiyento.

Sabi naman ng mga mayors na salungat sa MGCQ, ang pagluluwag ay magdudulot ng pagdami pa ng kaso ng COVID-19. Sa report ng Department of Health (DOH) nasa 559,288 ang kaso sa bansa. Ang katwiran ng mga sumasalungat na mayor, bawal pa rin namang palabasin ang mga minor at senior kahit nasa MGCQ kaya wala ring saysay ang pagluluwag sa Metro.

Noong nakaraang linggo, inihayag ng IATF na pinapayagan na ang pagbubukas ng sinehan, arcades, driving schools, museum, mga parke at iba pang tourist spot. Pati ang mga dadalo sa religious activities ay niluwagan na rin at ginawa nang 50 percent ang maaring pumasok sa simbahan at iba pang bahay dalanginan. Ganunman, kahit pa pinayagan na ang pagbubukas ng mga establisimiyento, mahigpit pa ring ipatutupad ang health protocol. Bawal pa ring pumasok ang walang face mask, face shield at ipatutupad pa rin ang social distancing.

Nagbabala naman ang OCTA Research Group na ang balak na pagluluwag sa Metro sa Marso ay maaaring magdagdag ng 2,400 na kaso. Ganito rin ang sinabi ng OCTA noong holiday season. Kapag nagluwag, tiyak na darami ang virus infections.

Pinakamaganda kung hintayin na muna ang bakuna bago magluwag o mag-MGCQ sa Metro Manila. Parating na naman ang bakuna ngayong Pebrero sabi ng Malacanang. Kung may bakuna na, wala nang gaanong ikababahala kahit magluwag. Maghintay-hintay o tiis-tiis na muna. Makita sana ito ng IATF at ni President Duterte.

vuukle comment

GCQ

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with