^

PSN Opinyon

Tulungan ang seafarers

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGPAPASAKLOLO ang seafarers kay Sec. Carlito Galvez, chief implementer of National Action Plan versus­ COVID-19 dahil mula nang dumating sila sa Pilipinas noong Mayo 4 at ma-quarantine ay hindi pa sila naisa­lang sa pagsusuri. Lampas 14 days na ang quarantine nila. Gusto na raw nilang makauwi sa kanilang pamilya. May mga tumatakas na umano sa kanila dahil sa pagkainip at kakulangan ng suporta.

Nanawagan naman ako kay PCG spokesman Arman­ Balilo pakiaksyunan ang karaingan ng seafarers na naka-quarantine sa inokupa n’yong hotel nang masuri na sila at mabigyan ng clearance para makauwi. Kung hindi mabibigyan ng aksyon ang kanilang karaingan baka tumakas ang mga ‘yan at malalagay sa panganib ang iba pa. Hndi ko naman sinasabing positibo sila pero kaila­ngang masuri sila at mai-confine nang maayos ang mga dinapuan at mailayo naman ang ilan sa kanila na walang virus.

Samantala, nalaman ko na ang COVID-19 test na isinasagawa ng Philippine National Red Cross ay may bayad na P3,500. Hindi maganda ito para sa mga itinuturing nating mga bagong bayani. Ngayon na kailangan nila ng tulong at serbisyo ng pamahalaan, magkakagastos­ pa sila. Sa tagal nila sa mga quarantine facilities, magkakaganito pa ang kanilang kasasapitan. Sayang naman ang halagang mawawala pa sa kanilang bulsa na para sana sa kanilang naghihikahos na pamilya.

Nananawagan ako kay Sen. Richard Gordon na paki-aksyunan naman ang problema ng seafarers. Kawawa naman sila.

vuukle comment

CARLITO GALVEZ

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with