Mga dapat gawin paggising sa umaga
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2020 - 12:00am

Maraming naaaksidente sa umaga lalo na ang bagong gising. Puwedeng mahilo at bumagsak dahil hindi pa ganoon ka-“gising” ang katawan. Puwedeng manhid pa ang paa at walang balanse sa paglalakad.

Narito ang mga dapat gawin paggising sa umaga:

l Paggising sa umaga, magpasalamat sa Diyos. Dahil marami ang hindi na nagigising. Sabi nga, “Every gising is a blessing.”

l Paggising, huwag tumayo agad at baka mahilo. Dahan-dahan lang. Umupo muna ng 1 minuto at mag-stretch ng leeg at balikat. Ang biglang pag-upo at paggalaw ng ulo ay maaring magdulot ng vertigo o pagkahilo. Mayroong nagko-collapse sa biglang pagtayo dahil nagkulang ng dugo sa ulo sa pagbaba ng blood pressure.

l Umupo sa inidoro habang umiihi, kahit sa mga lalaki. Baka inaantok ka pa at biglang bumagsak, mahilo o mag-collapse. May tinatawag na “micturition syncope” kung saan nag-collapse ang tao habang umiihi. Puwede itong mangyari.

l Uminom ng 2 basong maligamgam na tubig bago mag-almusal. Para luminis at mai-ihi ang dumi sa katawan­. Turo ito ng Japanese water therapy.

l Maging positibo na magiging maganda ang iyong araw. Mag-expect na may darating na biyaya. God bless po.

DOC WILLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with