^

PSN Opinyon

Bata pa nabubuntis na

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

MAY gatas pa sa labi si Ineng nabuntis na! Nakaaalarma na ang ganitong uri ng sitwasyon ng ating mga kabataan ngayon. Hindi pa man nakakatapos ng kanilang pag-aaral ay naging isang ina na. Para sa akin ‘yan ang pangunahing rason kung bakit patuloy ang paglobo ng ating populasyon. Mapusok na ang mga kabataan ngayon at hindi inaalintana ang kahihinatnan ng problemang kanilang pinasok.

Marami at malalaking problema ang kinakaharap ng ating bansa ngayon --- hindi mamatay-matay na droga, sunod-sunod na lindol, iba’t ibang uri ng naglalabasang sakit ng tao at mga hayop at higit sa lahat, trapik. Bilang mabuti at matapat na mamamayang Pilipino, tulungan natin ang gobyerno. Lalo na ang mga kabataan sapagkat sa inyo nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa.

Imbes na malulong sa mga gadgets, sa barkada, sa droga, mag-aral kayong mabuti para makatapos at nang magkaroon ng magandang kinabukasan. Malay ninyo, kayo ang susunod na Presidente, senador o kaya’y congressman ng ating bansa. Hindi naman masamang mangarap di ba?

Kailangang-kailangan ng mga anak ang gabay ng   mga magulang. Tayo ang aakay sa kanila sa tinatahak na daan ng buhay. Imbes na mag-anak nang marami, bakit hindi gawing isa o dalawa na lamang.

Ang hirap kasi sa atin, kung sino pa ang mahihirap na pamilya sila pa ang maraming anak. Napapariwara lang ang buhay ng mga anak kasi kulang sa pag-aasikaso ng magulang. Wala rin silang kakayahang magpaaral ng anak.

Ang paglobo ng populasyon ay sanhi rin ng kakulangan ng trabaho sa bansa. Tama ang sinabi ng Commission on Population na kailangan ng executive powers upang mapadali ang mga gagawing batas. It might not be the best solution but at least we are on the right track.

vuukle comment

BUNTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with