^

PSN Opinyon

Papalawigin ba o hindi ang ML?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGPUPULONG sa isang joint session sa Miyerkules ang Senado at Mababang Kapulungan at ang agenda ay ang kahilingan ng Pangulong Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao.

Nasabi ko na ang aking pagtutol sa ideyang ito sa nakalipas nating kolum. Para sa akin kasi, ang martial law ay pansamantalang solusyon lang sa problemang pang-seguridad ng bansa gaya ng insureksyon at rebel­yon. Ang layunin kasi ay maaresto agad ang mga taong kasangkot sa rebelyon at insureksyon sa pamamagitan ng suspension ng writ of habeas corpus. Kapag nagawa na ito, maari namang gampanan na ng pulisya ang mga kinauukulang hakbang sa pagbaka sa problema nang hindi na pinagtatagal ang batas militar.

Kapag ito’y pinagtagal, nandiyan ang peligro na ito’y maging institusyon na tulad nang nangyari noong panahon ni Presidente Marcos na ang batas militar ay umabot ng dalawang dekada.

Sa Mababang Kapulungan, walang duda na maraming kapanalig ang Pangulo na susuporta sa extension bagamat mayroon din tumututol sa panig ng mga oposisyon doon. Sana, tumindig ang mga tumututol dito sa dalawang kapulungan upang hindi mapagtibay ang pagpapalawig ng batas militar. Malamang idaos na gawin ang joint session sa umaga ng Disyembre 12 at pagkatapos ay ipagpapatuloy ng Senado ang pagtalakay sa panukalang pambansang budget para sa 2019, ayon kay Senate President Tito Sotto.

Ayon pa kay Sotto, hiniling niya na magkaroon ng security briefing ang Armed Forced of the Philippines  bago magkroon ng joint session. Sinabi naman ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na dapat isama ang mga economic managers sa gagawing briefing sa Lunes.

 “Siguro we will ask the National Economic and Deve-lopment Authority, Department of Finance, and Department of Budget and Management to join us in the security briefing, andito naman silang lahat sa Lunes. Sama sama na so we can ask these questions during the executive session,” ani Zubiri.

vuukle comment

MARTIAL LAW

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with