^

PSN Opinyon

Pasado na ba?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PUMASA na ang mga bagon ng Dalian sa sinasabing “weight test”. Nilagyan ng higit 1,000 sandbag sa loob ng bagon, para mistulang may mga sakay na tao. Pasado na ang mga ito. Pero ngayon, ayon sa DOTr, hindi pa rin magagamit dahil may “83 boxes to be checked off”. Ang ulat naman ng TUV Rheinland ay lalabas sa isa o dalawang linggo. Akala ko noong Marso pa tapos ang ulat ng TUV Rheinland, hindi pa pala? Naniniwala naman ang mga taga-Dalian na papasa ang kanilang mga bagon sa lahat ng kinakailangan ng DOTr. Ang tanong, ano pala ang isyu ng mga ito, kung lumalabas na pasado nga sa mga kinakailangan ng DOTr? At bakit ngayon lang sinusuri nang husto, higit isang taon na nang duma­ting ang mga bagon?  

Nang dumating ang mga bagon, walang narinig kundi hindi magagamit dahil dito, dahil doon. Na dapat isoli ang mga bagon dahil hindi naman magagamit sa bansa. Mabigat daw, maling signaling system, depektibo, hindi kaya ng riles at kung ano-ano pa. Pero may mga video kung saan umaandar na ang mga bagon sa riles ng MRT. Sa halip niyan, patuloy ang pagsusuri kung tala­gang magagamit ang mga bagon. Kailan kaya sasabihin ng DOTr na puwede nang gamitin ang mga bagon sa MRT? At kapag nagamit na, bakit inabot ng higit isang taon para masuri lang, kung pasado naman pala sa mga kinakailangan?

May 48 bagon ang galing ng Dalian. Kung patatakbuhin na ng DOTr – kung kailan man iyan – napakala­king ginhawa sa sumasakay na publiko. Kung makitahan pa ng mga maliliit na problema tulad ng mainit na aircon, mga pundidong ilaw at kung ano pang mapintas, madali nang ayusin ang mga iyan. Ang mahalaga ay umaandar sa riles, tugma sa sinasabing signaling system, gu­­maganang preno, hindi mabigat para sa mga riles at ligtas ang publiko. Ang resulta mula sa TUV Rheinland rin ang hinihintay. Siguro naman sa tagal na nilang hinihimay ang mga isyu at problema ng mga bagon ng Dalian, nakita na ang lahat ng pwedeng maging problema at inayos na. Maliban na lang pag sinabi ng DOTr na ibabalik sa Dalian ang mga bagon, dahil sa anumang dahilan.

vuukle comment

WEIGHT TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with