^

PSN Opinyon

Agrikultura pa rin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NASABAT ng Philippine Naval Forces-Eastern Mindanao­ ang limang libong sako ng bigas na naghahalaga ng P11 milyon sa Davao del Norte. Nakalagay sa mga palstic­ na drum ang bigas, na nakasakay sa M/L Sunlight. Walang maipakitang dokumento mula sa National Food Authority ang kapitan ng barko para sa dala-dalang bigas, na malinaw ay itinago sa mga drum para hindi mahalata. Patungo ang barko sa Maco, Compostela Valley. Ayon sa kapitan, pangalawang beses na raw niya magdala ng bigas sa nasabing lugar. May binanggit na Johak Sahid na tatanggap sana ng mga bigas. Hawak na ng Navy ang barko at tauhan nito. Inaalam na rin ng NFA at Bureau of Customs kung saan galing ang bigas, para matukoy kung saang bansa kinukuha.

Nakakatawa na may mga insidente ng smuggling ng bigas sa ating bansa. Ibig lang sabihin ay kulang ang suplay ng bigas, na pinagsasamantalahan ng mga smuggler. Agrikulturang bansa ang Pilipinas. Marami mga lupain na maaaring taniman ng bigas, pero hindi nagagamit dahil sa iba’t ibang dahilan. Ang produksyon naman ng lokal na bigas ay tila kulang, kaya umaangkat pa ang gobyerno para lang masuplayan ang bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit may smuggling ng bigas. Alam nilang kulang ang suplay pero ayaw magbayad ng mga tamang buwis. May mga problema ai isyu rin ang mga magsasaka na hindi pa rin masolusyunan.

Nakakatuwa naman na may mga kabataan na pumapasok pa rin sa agrikultura. Sa tulong ng mga farming school, nakikita nila ang oportunidad para kumita at maka­tulong sa iba at sa bansa, kahit iba ang tinapos na kurso sa kolehiyo. Ang mahalaga lang ay may lupa na matataniman at maaanihan. Kahit maliit ang lupain na matataniman ay malaki pa rin ang oportunidad sa pagsasaka, kung may mga tamang pamamaraan. Maganda na ang teknolohiya sa pagsasaka, basta’t may tiyaga. Inuusad ng mga kabataan ang “sustainable agriculture”, kung saan ang maaaning mga produkto ay makakatulong sa ekonomiya ng lugar. May proyekto na isinusulong ngayon sa Marinduque. Sana nga ay magtagumpay, at maging modelo na maaaring gayahin ng ibang lugar. Sana ay may mga matataniman ng palay sa ganitong pananaw. Ang ekonomiya ng bansa ang dapat makinabang, at hindi ang ibang bansa sa pamamagitan ng pag-aangkat. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with