^

PSN Opinyon

Resulta ng pagsusuri

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SANG-AYON ako na hindi dapat ipasok si Tomas Bagcal sa Witness Protection Program sa kaso ng pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz. Ayon sa PAO, ilang beses nang nagpalit-palit ng pahayag si Bagcal, lahat ipinalalabas na wala siyang kinalaman sa insidente, kaya hindi siya testigong may kredibilidad. Naniniwala nga ang PAO na kasabwat siya sa mga pangyayari. Nagsinungaling siya tungkol sa isang napakalaking detalye – na kasama ni Arnaiz si Reynaldo de Guzman sa kanyang taxi noong gabing iyon. Ilang beses nagpahayag na wala raw kasama si Arnaiz. Bakit? Bakit niya ililihim ang detalyeng iyan? Kung hindi ba natagpuan si De Guzman ay wala siyang sasabihin? Kung walang testigo na magsasabi na may kasama si Arnaiz sa taxi, wala rin siyang sasa­bihin? Baril sa una, patalim naman sa mga sumusunod na paha­yag? Ano pa ang babaguhin niya kapag maipit na nang husto?

Dahil sa mga insidenteng ito, magtataka pa ba tayo sa resulta ng pagsusuri ng SWS na higit kalahati ng mga mamamayan ay hindi naniniwala na “nanlaban” ang mga napapatay ng mga pulis sa kanilang mga operasyon kontra iligal na droga? Hindi naman ikinatuwa ng Pa­lasyo ang resulta, siyempre, dahil hindi daw maayos ang mga tanong. Tila humahantong daw sa mga inaasahang sagot ang mga tanong, kaya daw ganyan ang resulta. Pag pabor ang resulta, walang reklamo. Siguro sisihin nila ang mga naganap kay Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz, Reynaldo de Guzman, sa lumabas na resulta. May ilang insidente ng pamamaril din ng mga bata ang kailan lang lumabas.

Ito ang imahe ng PNP ngayon. Hindi rin nakakatulong ang kaso ng labinlimang pulis-Caloocan na pumasok sa isang tahanan at ninakawan ito. Kasama pa nila ang taong may kapansanan na armado at nakasuot pa ng bulletproof vest. May menor de edad ring kasama na pinagkukukuha ang mga kagamitan nang hindi man lang sinaway ng mga pulis, kundi sinenyasan lang na huwag mag-ingay. Kinasuhan na sila ng may-ari ng tahanan. Ito dapat ang tinutukoy ng Palasyo, at hindi ang mga tanong sa isang pagsusuri. Kailangang purgahin ang PNP ng mga ganitong pulis. Hindi magbabago ang tingin ng mamamayan sa PNP, o ang resulta ng anumang pagsusuri kung mga ganitong krimen ang kinasasangkutan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with