^

PSN Opinyon

Nasa listahan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPANSIN ko na kapag may natatagpuang bangkay sa lansangan, o kung may pinatay na lang ng mga hindi kilalang tao at nataon na nasa “listahan” ng PNP na may kaugnayan sa iligal na droga ang biktima, parang hanggang doon na lang ang pahayag ng pulisya. Nasa listahan siya, tapos. Walang pahayag na magsisigawa ng imbestigasyon, o aalamin kung sino ang nasa likod ng mga pagpaslang. Kapag may karatulang nakasabit na pusher o adik, sapat na ba iyan para tanggapin na lang ang kanyang sinapit? Minsan sasabihin na hindi nila kinokondena ang “extrajudicial killings”, pero hanggang doon din lang. Para masabi lang na hindi sila sang-ayon.

Tila ganito rin kasi ang katayuan ni Pres. Rodrigo Duterte. Ika niya, “He who is the the cause of the cause is the cause of them all”. “Kung ayaw ninyong mamatay, ayaw ninyong masaktan, huwag kayong umasa diyan sa mga pari pati Human Rights, hindi nakakapigil yan ng kamatayan. So huwag ninyong gawin.” Kaya halos wala nang kilos mula sa PNP dahil tila may basbas na ng Presidente, pati na rin ng hepe ng PNP na si Gen. Ro­nald Dela Rosa. Kapag sangkot sa iligal na droga at nasa listahan ng PNP, tapos na ang usapan. Ang tanong, sino ang nagbibigay ng listahan sa mga pumapatay at alam na alam nila kung sino ang mga papatayin?

Pero paano pala kung wala sa listahan ng PNP ang biktima? Tulad ni Rowena Tiamson na pinatay sa Manaoag, Pangasinan. Inamin ng PNP na wala siya sa listahan ng PNP ng mga sangkot sa iligal na droga, maging adik o tulak-droga. Honor student ang batang babae, na magtatapos na sana sa Oktubre. Miyembro pa ng choir sa kanilang simbahan. Ito ang sangkot sa droga? Aalamin ba kung bakit pinatay, hahanapin ba ang mga nasa likod ng krimen ng kanyang pagpaslang? O pababayaan na lang dahil mas maraming “mas importanteng gawain” ang pulis ngayon?

Ito ang dahilan kung bakit hindi pwedeng kunsintihin ang “extrajudicial killings”, kahit ano pa ang dahilan. Dahil meron at meron madadamay na inosenteng tao. Karapatan ng lahat ang dumaan sa tamang proseso ayon din sa Saligang Batas ng bansa, kahit malinaw na hindi na saklaw ngayon ang mga sangkot sa iligal na droga. Para sa kanila, sa ilalim ng administrasyong ito, wala nang saysay ang Konstitusyon at karapatang pantao. Patayin man ng mga pulis, o mga death squads. Ang importante lang ngayon ay patay sila. Ano pala ang proteksyon ng mga inosente kung napakadaling pumatay na ng tao ngayon? Karatula lang, may katwiran na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with