EDITORYAL – TSONA ni Binay
(Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2015 - 10:00am

ISANG linggo makaraang mag-SONA si President Noynoy Aquino, nagsagawa rin ng sariling SONA si Vice President Jejomar Binay. Pero ayon kay Binay, ito ang True State of the Nation Address (TSONA). Ginawa ni Binay ang kanyang TSONA sa Cavite State University. Binatikos ni Binay ang “daang matuwid” ni P-Noy. Sinabi niyang manhid at palpak ang administration. Pinagdiiinan niya na sa loob ng limang taon ng Aquino government ay walang nangyari sa buhay ng mga mahihirap. Muli niyang sinariwa ang slogan campaign ni P-Noy na “kung walang korap, walang mahirap”. Pero ayon kay Binay, lalo pang naghirap ang marami at lalo lang dumami ang mga korap sa pamahalaan.

Binatikos niya ang laging nasisirang Metro Rail Transit (MRT) na kalbaryo ng maraming pasahero. Halos araw-araw ay nasisira ang MRT at wala namang solusyon para maisaayos at nagtaas pa ng pamasahe. Binatikos din niya ang kawalan ng trabaho nang maraming Pinoy ganundin ang sinabi ng pamahalaan na wala nang nagtutungo sa abroad para magtrabaho o maging OFW. Pawang paninisi rin umano ang laman ng SONA ni P-Noy na walang ipinagkaiba sa mga nauna nitong SONA na pawang kuwento lamang.

Sa panghuli, pinuri ni Binay ang SAF 44. Inisa-isa ang pangalan ng police commandos na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang Enero 25 ng MILF at BIFF. Hindi raw pinasalamatan ni P-Noy ang mga bayani at sa halip, inuna pang pasalamatan ang kanyang hairdresser. Inabot ng isang oras ang TSONA ni Binay.

Okey na sana ang kanyang TSONA pero katulad ng SONA ni P-Noy, mayroon ding nalimutan o kinalimutan si Binay. Hindi niya binanggit ang tungkol sa Anti-Dynasty Bill at Freedom of Information (FOI) Bill. Hindi nalaman ang kanyang saloobin sa dalawang panukalang batas na nakabimbin sa Kongreso. Kung talagang tunay ang kanyang TSONA, dapat binatikos niya ang angkan-angkan sa pulitika at dapat nang wakasan. Ganundin naman ang FOI Bill na mabisang panlaban sa mga nangungurakot sa pera ng taumbayan.

 

ANG ANTI-DYNASTY BILL BINATIKOS BINAY CAVITE STATE UNIVERSITY FREEDOM OF INFORMATION METRO RAIL TRANSIT P-NOY PERO PRESIDENT NOYNOY AQUINO TRUE STATE OF THE NATION ADDRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with