^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sipain, mga police chief na iresponsable sa tungkulin

Pilipino Star Ngayon

MATAAS ang krimen sa Metro Manila at hindi na ito puwedeng pagtakpan pa ng kahit sinong police official. Kahit sa kasikatan ng araw, may nanghoholdap ng dyipni at nililimas ang pera, cell phone, alahas at iba pag pag-aari ng mga pasahero. Ang sinumang lumaban o ayaw ibigay ang hinihingi, pinapatay. Patuloy din naman ang pamamayagpag ng riding-in-tandem at kahit sa karamihan ng tao, binabaril ang kanilang target. Naglinya na rin sila sa panghoholdap ng convenience store at mga gasolinahan ang mga riding-in-tandem at ang sinumang pumalag ay pinapatay. Laganap din naman ang carjacking na walang anumang nakakatangay ng sasakyan sa kabila na nasa harapan na ito ng bahay.

Marami pang pangyayari sa Metro Manila na naghahatid ng takot sa mamamayan. May mga nagtatanong kung saan pa bang lugar ligtas tumira. Kahit saan, laganap ang krimen. At maitatanong din kung may kakayahan pa ba ang mga alagad ng batas para proteksiyunan ang mamamayan. Nagagampanan pa ba nila ang kanilang tungkulin na mapanatili ang katiwasayan sa kapaligiran?

Kadalasan, nasa hepe ng mga pulis ang dahilan kung bakit maraming nangyayaring krimen sa kanyang nasasakupan. Kung ang hepe ng isang police station ay iresponsable sa trabaho, tiyak nang aapaw ang krimen sa sakop niyang lugar. Paano’y gagayahin siya ng kanyang mga tauhan. Kung ano ang puno ay iyon din ang bunga. Kung walang silbi ang pinuno, wala ring silbi ang mga tauhan. Kawawa ang mamamayan kung hepe ng pulis ay inutil.

Tama lamang ang hakbang ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sibakin sa puwesto ang mga hepe ng pulis na hindi makatupad ng tungkulin sa kanilang nasasakupan. Maraming police chief na laganap ang krimen sa kanilang area of jurisdiction subalit walang ginagawa para malutas ang problema. Kahit laganap ang holdapan at pagpatay ng riding-in-tandem, pakuya-kuyakoy lang ang hepe.

Isa sa mga nasampolan ay ang hepe ng MPD-Station 11 sa Ermita, Maynila kung saan naging talamak ang holdapan at pagpatay sa mga turista. Sinibak din ang hepe ng Caloocan City police dahil sa talamak na krimen sa lugar.

Tama lang ito. Sige, sibakin pa ang mga inutil na hepe ng pulisya.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

ERMITA

HEPE

ISA

KAHIT

KUNG

METRO MANILA

TAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with