^

PSN Opinyon

Kurso buwagin na kung lagpak sa board exams

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MARAMING kurso sa mga state universities and colleges (SUCSs) na walang maipasang graduates sa professional licensure exams. Ehemplo nito: Accountancy, agriculture, criminology, electrical engineering, electronic enginee-ring, geodetic engineering, social work, elementary and secondary education, library science, foresty, at environment planning.

Kung walang grads na maipasa ang anumang SUC sa isang kurso, ibig sabihin mahina ang pangangasiwa ng dean, pagtuturo ng faculty, at pagsuporta ng presidente sa library at laboratory. Kung gan’un din lang, mabuti pang buwagin na ang mga gan’ung kurso ng SUC. Kasi sinasayang lang nito ang taun-taon ng mag-aaral.

‘Yan ang panawagan nina Dr. Rosario Manasan at Danileen Kristel Parel ng Philippine Institute for Development Studies sa Commission on Higher Education. Sinuri kasi nila ang passing rate ng mga SUC graduates sa iba’t ibang board exams ng 2004-2011. At nalungkot sila nang mabatid na may mga kurso na zero ang pumapasa taun-taon sa ilang mga kurso.

Nalinang ng dalawang mananaliksik na sa 38 pro-fessional board exams sa mga naturang taon, ang pumapasang SUC graduates ay 40-48% lang. Sampu lang sa 38 uri ng exams ang may nakakalusot na 60% Anim lang sa 38 ang may nakakapasa na mahigit 70%.

Napansin din nila na nagtuturo ang SUCs ng mga “po-pular” o “uso” na kurso na hindi naman nila linya o kaya. Ginagaya lang nila ang private universities at colleges o kaya mas magagaling na SUCs sa kanilang rehiyon.

May SUCs na nagpapa-board review classes, para dagdag-kita.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

vuukle comment

DANILEEN KRISTEL PAREL

DEVELOPMENT STUDIES

DR. ROSARIO MANASAN

EHEMPLO

GINAGAYA

HIGHER EDUCATION

KASI

PHILIPPINE INSTITUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with