^

PSN Opinyon

Sikat na super rich businessman pinabagsak ang political career ng isang congressman

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang mahirap makalaban ang ilang super rich businessmen?

Ayon sa aking bubwit, kapag nakalaban mo ang mga maimpluwensiyang businessmen, puwede nilang pabagsakin ang iyong political career. Kaya pala maraming pulitiko ang nagmamano kay Mr. Businessman dahil kapag napalapit ka sa kanya, galante ito sa pagbibigay ng campaign fund. Bukod pa riyan ang pagpapahiram ng kanyang private plane sa panahon ng kampanya.

Ayon sa aking bubwit, super rich ang nasabing businessman. Kasama ang kanyang pangalan sa listahan ng Forbes magazine sa mga pinaka-mayayamang tao hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ang nasabing negosyante ay nagalit sa isang congressman dahil binanggit nito ang kanyang pangalan sa isang imbestigasyon sa Kongreso. Inakusahan kasi Congressman si Mr. Businessman na nagtatago umano sa isang wanted official ng Comelec. Nang muling kumandidato si Congressman, hinagilap ni Mr. Businessman ang mahigpit nitong kalaban at binigyan ng campaign fund na P45-million. Dahil sa laki ng pondong ibinigay, natalo si Congressman. Mula noon, hindi na muling nanalo si Congressman. Tumakbo na naman siya nitong nakaraang eleksiyon subalit natalo na naman ng bata ni Mr. Businessman.

Ang congressman na hindi na nakabangon sa pulitika dahil kinalaban ang rich businessman ay si dating Cong. G.R. ng Region IV.

vuukle comment

AYON

BUKOD

BUSINESSMAN

COMELEC

CONGRESSMAN

DAHIL

INAKUSAHAN

KASAMA

KAYA

MR. BUSINESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with