^

PSN Opinyon

Teodoro-Pimentel vs Quimbo sa Marikina sa 2025!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Malayo pa ang 2025 midterm elections subalit mainit na ang pulitika sa Marikina City. Ang Marites ay magkasagupaan­ na ang dalawang political clan - ang Teodoro at Quimbo. Kanya-kanyang pakulo na ang dalawang kampo para maka­hatak ng boto sa darating na May 2025 elections.

Si Teodoro ay nakipag-alyado sa asawa ni Senate Minority leader Sen. Koko Pimentel na si Kat Pimentel at ang mahigpit nilang katunggali ay ang mag-asawang Miro at Stella Quimbo. Sa ngayon, wala pang masabi ang taga-Marikina City kung sina Teodoro ba o Quimbo ang lamang sa mga botante, kaya lang dahil incumbent mayor si Marcy at ang asawang si Rep. Maan Teodoro ng District 1, nasabi ng mga kosa ko na lamang sila dahil incumbent officials sila at lamang sa makinarya at pondo. Anong sey mo kosang Jo? Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Si Mrs. Teodoro ay tatakbong mayor, kapalit ng asawang si Mayor Marcy na naka-3rd term na. Makakalaban niya si ex-Rep. Miro Quimbo. Si Mayor Marcy naman ay planong sumabak sa District 2, kung saan hahamunin niya si Rep. Stella Quimbo, ang asawa ni Miro. Sinasabi ng mga poli­tical experts na magandang laban itong sagupaan ng pa­milya Teodoro at Quimbo. Ano sa tingin n’yo mga kosa ko d’yan sa Marikina?

Si Mayor Marcy ay kilalang tagapagtaguyod ng mabu­ting pamamahala ng City Hall sa Metro Manila, kasama sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Quezon City Mayor Joy Belmonte. Kaya sinasabi ng mga kosa ko na mahigpit ang laban nila ni Rep. Stella, na isang batikang ekonomista. Kaya lang, malakas ang paniwala ng mga political experts na hahatakin pababa ang tsansa ni Rep. Stella nang ipagtanggol niya ang kontrobersiyal na paggamit ng milyones na intelligence funds ni VP Sara Duterte. Araguyyyyy!

Delikado ang sitwasyon ni Rep. Stella. Maaring maipit­ siya sa nag-uumpugang bato dahil ang intel isyu ay mainit na pinagtalunan ng kampo ni Presidential cousin at House Speaker Martin Romualdez at pamilya Duterte May kasa­bihan ang mga Pinoy na tumpak na naglalarawan sa sitwas­yon ni Rep. Stella na “namamangka sa dalawang ilog”. Tsk tsk tsk! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Lumakas ang senyales na tatakbo si Mayor Marcy sa District 2 dahil kailan lang niya inilipat ang kanyang tirahan­ sa sakop nitong lugar. Ayon sa mga kosa ko, determinado ang mag-asawang Teodoro na labanan ang mag-asawang Quimbo.

Ang lamang pa ng mag-asawang Teodoro ay epektibo sa kanilang pamamahala, lalo’t kung ang pagtugon nila sa COVID-19 ang gagawing batayan. Mismooo!

Si Kat Pimental ang tatakbo naman sa puwestong babakantehin ni Mrs. Teodoro sa District 1. Mali ang paratang na bumubuo ang pamilya Pimentel ng political dynasty sa Marikina dahil nais ni Sen. Koko na magpahinga na sa pulitika pagkatapos ng kanyang termino sa Senado sa 2025. Get’s n’yo mga kosa?

Gumagawa na rin ng ingay si Mam Kat dahil nagbigay ito ng libreng sapatos sa Top 20 grade school students at medical mission sa District 1 kamakailan lang, programa para sa kabataan na KAThree-Point Shootout ang kanyang inilunsad. Abangan!

vuukle comment

MARIKINA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with