^

Metro

MMDA Cup 2024 inilunsad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kauna-unahang MMDA Cup 2024 kahapon sa Filoil Eco oil Center, sa San Juan City.

Dinaluhan nina MMDA Acting Chairman Don Artes, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, San Juan City Mayor Francis Zamora at iba pang mayor ng Metro Manila, at coach Pido Jarencio, tournament director, ang opening ceremony ng inaugural MMDA Cup 2024.

Ang MMDA Cup 2024 ay naglalayon na tulungan at hikayatin ang mga empleyado ng gobyerno na aktibong lumahok sa mga palakasan para sa mas malusog at mas aktibong pamumuhay. Ipapakita ng mga manlalaro mula sa 17 Metro Manila local go­vernment units at national government agencies ang kanilang kakayahan sa paglalaro sa pamamagitan ng basketball at volleyball.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Artes, ang MMDA Cup ay isang selebrasyon ng sportsmanship at camaraderie sa mga LGU at NGA, at isang plataporma para sa pagpapaunlad ng pagkakaisa at pagtutulungan sa loob ng mga komunidad.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Zamora kay Artes sa inisyatiba ng pagsasama-sama ng mga LGU sa pamamagitan ng MMDA Cup.

Dumalo sa pagbubukas ng seremonya sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Pasay City Mayor Imelda Calixto- Rubiano, at Manila City Mayor Maria Sheilah Pangan- Lacuna.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with