^

Metro

5 preso pumuga, 5 pulis na bantay sibak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Selda nilagare sa kasagsagan ng ulan

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang limang tauhan ng Parang Municipal Police Station (MPS) sa Maguindanao del Norte matapos na limang preso ang nakatakas sa kanilang detention cell nitong Sabado ng madaling araw.

Sa ulat na ipinadala sa PNP Headquarters sa Camp Crame ni Lt. Col. Erwin Tabora, hepe ng Parang MPS, nilagare umano ng mga preso ang center lock ng kanilang detention cell upang makatakas.

Itinaon umano ang paglagare at pagtakas sa kasagsagan ng malakas na ulan kaya hindi napansin ng naka-duty na pulis.

Samantala, apat sa mga tumakas na preso ang naibalik na sa kulungan sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya habang isa pa ang patuloy na pinaghahanap na may kasong murder.

Ang limang sinibak na pulis ay nasa holding unit na ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office (PPO).

Nabatid na si Tabora ay kakalipat lang bilang bagong hepe ng Parang Police Station kung saan pinalitan nito si dating chief of police Lt. Col. Christopher Cabugwang.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with