^

Metro

Obrero, utas sa resbak ng ginulping ‘kawatan’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang obrero matapos na resbakan at pagsasaksakin ng isang lalaki na una umano niyang ginulpi noong nakaraang buwan dahil sa pagkakasangkot sa kasong pagnanakaw sa Tondo, Manila.

Kaagad na binawian ng buhay si Jester Mullet, 24, construction worker, at residente ng Permanent Housing, Balut, Tondo, Manila dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na si Alexander Banzuelo, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Ho­micide Section, alas-5:54 ng hapon noong Mayo 19 nang maganap ang krimen sa Building 24 ng Permanent Housing, sa Balut, Tondo. Habang naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lang sumulpot ang suspek at mula sa likuran ay ilang ulit siyang pinagsasaksak bago mabilis na tumakas.

Lumitaw sa pagsisiyasat na ang motibo sa krimen ay nag-ugat sa insidenteng naganap noong Abril, kung saan binugbog ng biktima ang suspek matapos na masangkot sa nakawan sa kanilang lugar.

Bago umano umalis ang suspek ay binantaan pa nito ang biktima na papatayin kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with