Wala ng extension PUV consolidation deadline sa April 30 - LTFRB
MANILA, Philippines — Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala nang extension ang PUV consolidation deadline sa April 30.
Dahil dito hinikayat ng LTFRB ang mga passenger jeep operator na hindi pa nagpapa-consolidate na samantalahin na ang mga natitirang araw bago ang April 30 deadline kaugnay sa ipatutupad na PUV modernization program ng pamahalaan.
Sa media forum sa QC, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na hanggang April 30 lamang ang deadline sa consolidation at makaraan ito ay hindi na nila papayagang pumasada sa May 1 ang mga pampasaherong sasakyan na hindi consolidated.
“We will no longer allow na pumasada ang mga hindi consolidated after April 30 deadline, ire-revoke namin ang franchise ng mga hindi consolidated on May 1 and we will not allowed them na makapasok sa kanilang ruta kung hindi nag-consolidate” sabi ni Guadiz.
Ang consolidation ay isang proseso na pagsasama samahin ang lahat ng pampasaherong sasakyan sa iisang korporasyon o kooperatiba para matiyak na maa yos at roadworthy ang mga pampasaherong sasakyan.
Una nang kinondena ng grupong Piston ang consolidation program dahil mawawalang bisa anila ang kanilang franchise bukod sa hindi nila kayang bumili ng bawat bagong unit na may halagang P2.5 Milyon.
- Latest