^

Metro

Suspect sa pagpatay sa bar girl, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Suspect sa pagpatay sa bar girl, arestado
Ayon sa pulisya, selos ang nakikitang motibo ng suspek na si alyas Jhayan, 30, sa pagpatay sa karelasyong si alyas Maria, 27. 
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado na ang trabahador ng isang radiator shop na itinuturong res­ponsable sa pagpatay sa isang bar girl, sa Makati City sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Makati City Police at Caloocan City Police.

Ayon sa pulisya, selos ang nakikitang motibo ng suspek na si alyas Jhayan, 30, sa pagpatay sa karelasyong si alyas Maria, 27. 

Sa ulat, nadakip si Jhayan habang naglalakad sa General San Miguel St., C4 Road, Sangandaan Caloocan City noong Sabado ng hapon matapos inguso mismo ng kanyang amo na nakakita sa kanya sa naturang lugar. Narekober sa kaniya ang isang patalim.

Sinasabing nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa nang dalhin ng suspect ang biktima sa barracks na kanyang tinutuluyan kung saan sya stay-in.

Matatandaang nadiskubreng walang buhay na may saksak ice pick at sinakal pa ng kable ng mikropono ang biktima nang matagpuan sa loob ng barracks ng suspect. 

Nakita rin sa kuha ng CCTV ang paglabas ng barracks ng suspek alas-7:15 ng umaga na naghugas pa umano ng kamay bago lisanin ang radiator shop na may bitbit na personal niyang gamit.

Inihahanda na ang ihahaing reklamong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code o murder at paglabag sa Batas Pambansa 6 o illegal possession of deadly weapon laban sa suspek sa Makati City Prosecutors Office.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with