^

Metro

Taxi driver dinikitan, pinagbabaril ng tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Taxi driver dinikitan, pinagbabaril ng tandem
Dead-on-the spot ang biktimang si Ricky Casilo Dilag, 44-anyos, habang tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang taxi driver habang pumapasada nang dikitan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding-in-tandem suspects kahapon ng umaga sa Malabon City.

Dead-on-the spot ang biktimang si Ricky Casilo Dilag, 44-anyos, habang tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Batay sa imbetigas­yon nina PStaff Sgt. Jeric Tindugan at PStaff Sgt. Allan Bermejo ng Malabon City Police, nangyari ang insidente dakong alas-10:40 ng umaga kahapon sa Waling-Waling Road, corner Industry Road, Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Lumilitaw na sakay ng kanyang minamanehong taksi ang biktima nang dikitan ng tandem at barilin ng dalawang beses.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya sa pangunguna ni PMaj Adonis Sugui upang matukoy ang mga suspek at motibo sa pamamaslang sa taxi driver.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with