Parak binaril, sugatan sa sisitahing tandem
MANILA, Philippines — Sugatan ang isang pulis nang barilin ng riding-in-tandem nang tangkaing lapitan dahil sa kahina-hinalang kilos sa Makati City, hatinggabi ng Linggo.
Nasa maayos nang kalagayan ang biktimang si Patrolman Charles De Luna Rebucas Jr., 30, nakatalaga sa Poblacion Sub-station, ng Makati City Police Station.
Sa ulat, dakong alas-11:50 ng gabi ng Pebrero 25, 2024 nang maganap ang insidente sa Don Chino Roces Avenue, malapit sa kanto ng Malolos Street, Brgy. Tejeros, Makati City.
Tinutugis na ang suspek na isang Ryan Lapuz, residente ng Brgy. Tramo, Pasay City, at mga kasamahan nitong riding-in-tandem.
Nabatid na si Patrolman Rebucas at isa pang pulis ay nagsasagawa ng surveillance at monitoring sa lugar, sakay ng kanilang pribadong motorsiklo, nang mapansin ang isang Honda PCX na walang plate number na may sakay na rider at angkas .
Naging kaduda-duda ang kilos ng dalawa sa nasabing motorsiklo lalo na at may mga ulat ng snatching sa lugar, kaya binuntutan ng dalawang pulis.
Pagsapit sa “Lugawan sa Tejeros” ay tinangkang silang lapitan ng mga pulis, subalit agad na silang pinaputukan ng angkas na si Pat. Rebucas na tumama sa kaliwang hita.
- Latest