^

Metro

Bantay Bayan volunteer, 6 pa huli sa drug ops

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pito katao kabilang ang isang Bantay Bayan volunteer ang nasakote sa magkakahiwalay buy-bust operation nang makuhanan ng nasa P112,200.00 halaga ng ilegal na droga, sa Makati City,Pasay at Muntinlupa. iniulat kahapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/ Colonel Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Ralph Waquez, alyas Tanano , Bantay Bayan volunteer, 36; at Jose Poblacion, alyas Bayo , tricycle driver, 35, kapwa nadakip sa Adora St., Barangay Tejeros, Makati City.Nasamsam sa mga ito ang 4 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P27,200.

Sa Pasay City, alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng Station Drug Enforcement Unit ng Pasay City Police Station sina Angelo Tayoto, 23, nasa Drug watchlist bilang Street Level Individual at Pio Velarde, alyas Pio, 52 ,  na nakuhanan ng 2.80 gramo na nagkakahalaga ng 19, 040.

Dakong ala-1:00 ng madaling araw kahapon nang arestuhin sa Tramo St., Brgy. 61, Zone 8 Pasay City, sina Jaime Deriada, 53, nasa drug watchlist na nakuhanan ng 2.20 gramo na nagkakahalaga ng P14,960.00.

Dakong alas-2:45 ng madaling araw din, nadakip ng SDEU Muntinlupa sa Bautista Street, Brgy. Bayanan, Muntinlupa City  si Reynaldo Sta. Romana, 35, na nakumpiska ang  4.5 gramo ng shabu na may halagang P30,600

Isinailalim na sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) laban sa mga suspek.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with