^

Metro

Higit 3K informal settlers ng Quezon City, nabiyayaan ng sariling lupa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit 3K informal settlers ng Quezon City, nabiyayaan ng sariling lupa
Sa ilalim ng pangasiwaan ni QC Mayor Joy Belmonte ay naigawad na sa naturang mga pamilya ang pag-aari sa lupain makaraang bilhin na ng pamahalaang lungsod ang lupa sa mga private land owners at ipamahagi sa naturang mga benepisyaryo.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang dekadang paghihintay, sarili na nilang lupa ang kinatitirikan ng kanilang bahay ng mahigit sa 3,000 informal settlers sa Quezon City.

Sa ilalim ng pangasiwaan ni QC Mayor Joy Belmonte ay naigawad na sa naturang mga pamilya ang pag-aari sa lupain makaraang bilhin na ng pamahalaang lungsod ang lupa sa mga private land owners at ipamahagi sa naturang mga benepisyaryo.

Pinangunahan ni Mayor Belmonte ang Deed of Sale signing ceremonies sa pagitan ng Prosperity Industrial Corporation, Elizabeth Elsie G. Ng et.al, Tofemi Realty Corporation, at Manila Remnant Company Inc. para sa parcels ng lupa sa Barangays Baesa, Old Balara, Bagong Silangan, at Payatas  na binili ng lokal na pamahalaan  na may kabuuang  24,285 sqm land sa Baesa; 5,000 sqm lot sa Old Balara; 90,675 sqm sa Bagong Silangan; at 19,476 sqm lot sa Payatas.

“Ito ang simula ng pagsasakatuparan ng matagal ninyong pinapangarap. Kami ang bibili ng lupa, ba-budgetan ng lungsod, para matuldukan na ang taun-taon niyong paghihintay,” pahayag ni Mayor  Belmonte.

Ayon sa  City’s Housing, Community Development and Resettlement Department (HCDRD), may kabuuang  3,478 pamilya ang mabebenepisyuhan ng naturang programa, 2,000  sa  Baesa, 1,127  sa Bagong Silangan; 301 sa Payatas; at  50  sa Old Balara. 

Ang acquired lots ay nai-award sa mga residente sa pamamagitan ng Direct Sale Program kung saan ang city government ang bibili ng lupa sa land owner.

Ang mga benepisyaryo naman ay magkakaroon ng sariling titulo ng lupa oras na mabayaran ang lote  sa lokal na pamahalaan.

Ang land acquisitions  ay naisagawa sa pamamagitan ng  City Resolution 8721-2021 na iniakda ni  Councilor Marivic Co-Pilar; City Resolution 8699-2021 ni Councilor Franz Pumaren; at City Resolutions 8689-2021 at 8690-2021 ni Councilor Mikey Belmonte.

“Layunin ng ating lungsod na mabigyan ng abot-kaya, at disenteng tirahan ang bawat QCitizen sa loob ng Quezon City. Adequate housing is a basic human right. It is the obligation of the city to find ways to provide secure shelter for our ISF families,” dagdag pa ng alkalde.

INFORMAL SETTLERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with