^

Metro

Kelot itinumba sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang 29-anyos na lalaki nang baunan ng bala sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin makaraang magpaalam ang biktima sa ina na bibili lamang ng ulam na panghapunan, kamaka­lawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Gerald Campo, ng New Site, Baseco Compound, Port Area, ng naturang lungsod.  Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa salarin dahil sa pawang tikom ang bibig ng mga residente.

Sa ulat Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Block 8 sa Baseco Compound. Isang putok ang narinig ng mga residente at nang usyusohin ay natagpuan ang duguang biktima.

Ayon sa ina ng biktima na si Emilda, nagpaalam lamang ang anak na lalabas ng bahay para bumili ng ulam para sa kanilang hapunan. Nagulat na lamang siya nang sunduin ng kapitbahay at sabihin na binaril ang kaniyang anak.

Blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa pamamaslang kung saan ikinukunsidera ang anggulo sa ilegal na droga na talamak sa lugar.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with