^

Metro

Criminology student umawat sa away patay, 2 pang kaanak sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang criminology student,  habang sugatan naman ang kuya at tiyahin nito matapos pagsasaksakin ng lasing na tricycle driver sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng tinamong saksak sa dibdib si Junel Talan, 20, habang ginagamot naman sa  Caloocan City Medical Center ang kapatid nitong  si Joshua, 22, at tiyahin na si Angelica Debulos, 47, pawang naninirahan sa   Block 39 Lot 8 Salaysalay St. Brgy 12 na nagtamo ng sugat sa pisngi at ulo.

Ipinag-utos naman ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina Jr, ang manhunt operation kontra sa suspek na kinilalang si Matias Avenido, Jr,  na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-9:20 ng gabi sa Salaysalay St. Caloocan City.

Nagalit ang suspek nang  hindi makadaan sa eskinita ang kanyang minamanehong tricycle dahil sa nakaparadang motorsiklo sa harap ng bahay ng mga biktima.

Sinita ng suspek si Jefferson Talan na nagpaliwanag naman na hindi sa kanila ang nakaparadang mga motorsiklo na nagresulta ng kanilang pagtatalo hanggang sa magsuntukan.

Dito na umawat  ang mga biktima hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang magkapatid bago pinalo sa ulo ng kahoy si Debulos.

vuukle comment

CALOOCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with