^

Metro

OFWs puwede nang magparehistro online para sa 2022 polls – Comelec

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
OFWs puwede nang magparehistro online para sa 2022 polls � Comelec
Gamit ang online system, pipiliin lang ng Pinoy abroad kung mag-aaplay para sa registration, certification, transfer o transfer with reactivation, reinstatement of name o pagbabalik ng pangalan na hindi sinadyang natanggal sa national registry ng overseas voters.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Binuksan na ng Commission on Elections (Comelec) ang online registration para sa mga Pilipino na nasa ibayong dagat na nais lumahok sa darating na May 2022 elections sa Pilipinas.

Ayon sa Comelec, simula Disyembre 1, 2020 ang pasilidad ng iRehistro, sa pamamagitan ng https://irehistro.comelec.gov.ph/irehistro/ovf1 ay magagamit na para sa milyun-milyong Pilipinong nananatili sa ibang bansa.

Gamit ang online system, pipiliin lang ng Pinoy abroad kung mag-aaplay para sa registration, certification, transfer o transfer with reactivation, reinstatement of name o pagbabalik ng pangalan na hindi sinadyang natanggal sa national registry ng overseas voters.

Maari ring magpalit ng entry tulad ng pangalan sa voter’s registration record, mag-request na babawiin ang application for registration o certification habang hinihintay ang pag-apruba, reactivation, pagpapalit ng address, at pag-update ng larawan o lagda.

Kailangan lamang na ilagay ang personal information, passport information, local at foreign residency data, at embassy/consulate, kung saan nais ng aplikante siya mai-rehistro para makaboto.

Ang online applicant ay maaring magtakda ng appointment at mas mabibigyang prayoridad kaysa sa walk-in applicants, ng Philippine Embassy o Consulate of Registration.

Gayunman, nilinaw ng Comelec na hindi naman otomatikong maprubahan ang aplikasyon sa iRehistro dahil daraan pa ang aplikante sa personal appearance ng kani-kanilang embahada o konsulado dala ang printed online application form para sa QR scanning at biometrics capture upang makumpleto.

vuukle comment

COMELEC

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with