^

Metro

Liquor ban sa Maynila inalis na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Liquor ban sa Maynila inalis na
Ang Maynila ang isa sa lungsod sa Metro Manila na huling nagtanggal sa liquor ban makaraang igiit ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na gastusin na lamang ng mga Manilenyo ang kanilang pera sa mas mahaha­lagang bagay tulad ng pagkain.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon, file

MANILA, Philippines — Maaari nang makabili at makainom ng alak ang mga residente ng Maynila ngayong Lunes matapos iutos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagtatanggal sa “liquor ban”.

Unang inilabas ni Domagoso ang Executive Order No. 18 na nagbabawal na pagbebenta, distribusyon at pag-inom ng alak makaraang ideklara ang state of calamity at enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa pandemya sa coronavirus disease (COVID-19).

Ang Maynila ang isa sa lungsod sa Metro Manila na huling nagtanggal sa liquor ban makaraang igiit ni Domagoso na gastusin na lamang ng mga Manilenyo ang kanilang pera sa mas mahaha­lagang bagay tulad ng pagkain.

Sa kabila ng pagluluwag, mahigpit na ipinaa­lala ng alkalde na bawal pa rin na pagbentahan ng alak ang mga minors at maging ang inuman sa mga pampublikong lugar tulad ng mga kalsada at bangketa base sa mga umiiral na ordinansa.

Pero bago ang lifting ng ban, limang tomador pa na sina Rodelene Banares, 28; Cedric Hernandez, 19; Lovely Rose Colo, 30; Ryan Castillo, 27 at Marthen Escalanda, 19, ang hu­ling nadakip ng Manila Police District (MPD) na nag-iinuman sa gilid ng kalsada sa may Villa San Antonio Street, Singalong sa Malate. Ikinatwiran nila na nagsasaya lamang sila dahil birthday ng isa sa kanila at inakala nila na wala  na ang liquor ban.

vuukle comment

ISKO MORENO

LIQUOR BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with