P10 donasyon ng kada pulis sa mga naapektuhan ng Taal explosion
MANILA, Philippines — Hinimok nitong Lunes ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang bawat isang miyembro ng pulisya na magdonasyon ng tig-P10 para sa mga residenteng naapektuhan sa pagsabog ng Taal volcano.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Gamboa na ang tig-P10 ay boluntaryong kontribusyon na kokolektahin ng mga unit commanders mula sa kanilang mga tauhan.
“I am asking the members of the Philippine National Police a P10 contribution... voluntary contribution so that we can generate funds to help especially those Filipinos who are misplaced by this disaster,” pahayag ni Gamboa sa PNP Press Corps.
Nasa full alert status ang lahat ng units ng PNP, Police Regional Offices (PRO) III, IV-A at maging ang National Capital Region Police Office(NCRPO).
Samantalang ang mga heneral at iba pang matataas na opisyal ay welcome naman na mag-donate ng mas malaking halaga.
- Latest