^

Metro

Iligal na pamilihan sa Quezon City, pinaiimbestigahan

Romina Cabrera - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang isang pamilihan sa lungsod na umano’y nag-o-operate nang walang tamang business permit at nangongolekta pa sa mga maliliit na vendor upang makapuwesto sa naturang lugar.

Kaugnay nito, nagbitiw naman sa pwesto ang head ng Market Development and Administration Department (MDAD) ng lungsod kasunod ng pagkakatuklas ng lokal na pamahalaan hinggil sa maanomalyang market deals at pagpapaimbestiga rito.

Ayon kay Belmonte, nasa 200 vedors sa ilalim ng Luzon fly­over ang nagbabayad ng P150 per stall sa isang pribadong kompanya na tinukoy na ang Efficient Business Management Outsource Inc., o kilalala rin bilang e-Manage.

Nabatid na ang mga vendors ay pawang walang business permit ngunit dahil sa halagang nabanggit na kanilang ibinabayad sa “Luzon Wet and Dry Market” kung kaya nakapagtitinda ang mga ito.

Napag-alamang ang e-Manage at isang management consulting firm na may mga kaukulang permit ngunit hindi para mag-operate bilang isang pamilihan.

Samantala, sinabi naman ni Belmonte na pansamantalang pinahihintulutan ang mga maliliit na vendors sa lungsod habang naghahanap pa ng isang ideyal na lugar para sa relokasyon ng mga ito.

vuukle comment

JOY BELMONTE

MARKET DEVELOPMENT AND ADMINISTRATION DEPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with