Tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Qu- ezon sa pan- gunguna ni Vice mayor Joy Belmonte ang token of appreciation buhat kay PDEA Director Aaron Aquino matapos ang isinagawang sign- ing ng mem- orandum of agreement na dito naka- paloob ang pagbibigay ng temporary shelter sa mga nasasagip na kabataan na nalululong sa pagsinghot ng solvent at ilegal na droga.
(Kuha ni Boy Santos)
‘Solvent boys’ sa QC, sasagipin
Angie dela Cruz, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magkatuwang na sasagipin ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Local Government ng Quezon City ang mga nagkalat na kabataan na tinawag na ‘solvent boys’ sa lungsod.

Kahapon pumirma sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sina PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino at Vice Mayor Joy Belmonte na siyang Chairperson ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC).

Ang MOA ay naglalayong iligtas sa ‘kuko’ ng panganib at kapahamakan ang mga batang lansangan na sumi­singhot ng solvent.

 Sa impormasyon ng PDEA, nagagamit din ang mga ‘solvent boys’ bilang mga runner at courier ng ilang miyembro ng sindikato na nagpapakalat ng droga sa bansa. 

Sa ilalim ng kasunduan ang  PDEA at QCADAAC ay mangangasiwa sa isang pasilidad sa Brgy. San Agustin sa Novaliches na paglalagakan ng mga nasagip na kabataan na nahu­ling sumisinghot ng solvent o sangkot sa  illegal drug trade para sumailalim sa rehabilitation at reintegration.

 Ang  programa ay magbibigay ng reformation at reintegration interventions tulad ng counselling, values-formation, skills development-livelihood at entrepreneurship training.

Isinagawa ng PDEA at QCADAAC ang partnership sa isang simpleng seremonya sa “Bahay Pangarap”, sa loob ng Clemente Subdivision, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Ang “Bahay Pangarap” building ay gagawing “Sagip Batang Solvent Reformation Center”.

Nangako si Vice Mayor Belmonte  ng 100 porsiyento na tutulong at magtatrabaho ng hand on hand para maging matagumpay ang nasabing proyekto.

Ang Quezon City ang siyang ginamit na ‘pilot project’ ng PDEA na isusunod at gagawin din sa ibang bayan at lungsod sa Metro Manila.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY SOLVENT BOYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with