^

Metro

2 ‘tulak; bulagta sa drug bust

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 âtulak; bulagta sa drug bust
Nakilala ang mga napaslang na sina Rodel Tayag, 38, residente ng Purok 2, DM Compound, Caloocan City at si Rodolfo Pareja, Jr., alyas Jun, 45, habang nadakip naman ang kasama niyang bar entertainer na si Ma. Luisa Payumo, alyas Inday, 35, kapwa nakatira sa Fortune Street, Palasan, Valenzuela City.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Kapwa  bulagta ang dalawang notoryus na ‘tulak’ ng iligal na droga na pareho umanong nanlaban sa mga umaarestong mga pulis sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela City, Lunes ng gabi.

Nakilala ang mga napaslang na sina Rodel Tayag, 38, residente ng Purok 2, DM Compound, Caloocan City at si Rodolfo Pareja, Jr., alyas Jun, 45, habang nadakip naman ang kasama niyang bar entertainer na si Ma. Luisa Payumo, alyas Inday, 35, kapwa nakatira sa  Fortune Street, Palasan, Valenzuela City.

Sa ulat, alas-11:30 ng gabi nang magkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Northern Police District- Drug Enforcement Unit sa may DM Compound. Isang tauhan ng pulisya ang nagpanggap na buyer at nakipagtransaksyon kay Tayag.

Sa gitna ng bentahan, nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang kaharap kaya nagbunot ng baril at nagpaputok. Nakailag naman ang mga pulis na gumanti ng putok at nagresulta sa pagkakapaslang kay Tayag.
Isang rebolber na may isa pang bala ang nakum­piska sa suspek, apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu, P500 marked money at mga drug paraphernalia.

Sa Valenzuela City, napas­lang naman ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni P/Chief Insp. Jowielouie Bilaro ang suspek na si Pareja sa isang buy-bust operation sa isang eskinita sa Fortune Street, Brgy. Palasan dakong alas-8 ng gabi.

Tagumpay na nakabili ng shabu ang isang pulis sa suspek ngunit nang lalapitan na siya ng ibang alagad ng batas ay nagpaputok umano ng baril. Gumanti ang mga pulis kaya napaslang si Pareja habang inaresto si Payumo na kasama ng suspek sa pagbebenta.

DRUG WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with