Reward sa mga brgy. na may mahusay na drug-clearing ops, plano ni Joy B. sa QC
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Plano ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na magbigay ng reward o insentibo sa mga barangay na ma­ta­gumpay sa kanilang drug clearing operation sa kani-kanilang area of responsibility.

Ayon kay Belmonte, chair ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), ang  reward ay partikular na ipagkakaloob sa mga barangay na tinaguriang “severely affected” ng  droga.

“I think giving them reward or incentive would push them to further work hard, ‘yung kahit mapababa lang nila ng konti ‘yung pagiging drug affected nila from ‘severely affected’ to ‘moderately affected’,” pahayag pa ni Belmonte.

Ang ilan sa mga barangay na severely affected  ay ang Brgy.  Batasan Hills, Commonwealth at Payatas.

Sa ilalim ng Dangerous Drugs Board (DDB) Resolution No. 2, Series of 2007, na nagtatakda ng panuntunan sa pagsasagawa ng barangay drug-clearing operations, ang barangay na severely affected ay iyong 20 percent ng populasyon ay sangkot sa droga.

“Slightly affected” naman ang mga barangay na may kahit isang drug pusher o drug dependent at “moderately affected”  ay iyong 2 percent  ng populasyon ay sangkot sa  droga, habang ang  mga “drug-cleared” barangay naman ay iyong dating may problema sa droga ngunit nadek-larang malinis na sa anumang uri ng illegal drug activities.

Sa ngayon sa 142 bara­ngay, 21 barangay sa QC  ang naideklarang  “drug-free” ng  Philippine Drug En­force­ment Agency (PDEA) at QCADAAC na ilan dito ay ang barangays  Maharlika, Phil-Am, Paligsahan, Laging Handa, Teacher’s Village East, Novaliches Proper, Capri, Greater Lagro, Greater Fairview, New Era, Damar, West Triangle, Libis, Blue Ridge B, Mangga, Quirino 3B, Kalusugan, Valencia, at Horse shoe.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with