^

Diplomat sugatan sa sagasa

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang American diplomat ma­­tapos na mahagip ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa tapat ng United States Embassy sa Ermita, Manila kamakalawa­ ng hapon.

Ginagamot sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si David Alan Bragdon, 40, at nanunuluyan sa loob ng American Embassy, na matatagpuan sa Roxas Boulevard dahil sa tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Samantala, arestado at sasampahan ng ka­song reckless imprudence resulting in se­rious physical injuries ang suspek na si Jonald Villanueva, 30, at residente ng Bagong Sibol Street, Caloocan City.

Sa report ni SPO1 Roberto Lorenzo ng Ve­hicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD), dakong alas-4:10 ng hapon nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng service road ng Roxas Boulevard, malapit sa kanto ng United Nations Ave­nue sa Ermita.

Nauna dito, tumatawid umano ang biktima sa naturang lugar nang mahagip ng Yamaha Mio Soul (NC 24027) na minamaneho ng suspek.

Kaagad namang isinugod ang biktima sa ospital para magamot.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with