^

6 huli sa drug operations

Lordeth B. Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Anim na katao kabilang ang isang sarhento ng Philippine Army ang nadakip matapos mahuling bumabatak at nagtutulak ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay at Taguig City, kamakalawa.

Sa report ng Pasay City Police, nakilala ang mga naaresto na sina Aira Nunez, 37, isang labandera at Ronald Navarra, 36,  kapwa nakatira sa Brgy. 145, Zone 16, ng nasabing lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang Baclaran PCP, Pasay City Police  mula sa ilang residente hinggil sa iligal na gawain ng mga suspect dahilan upang magtungo ang mga pulis sa Ipil-Ipil St., ng naturang lungsod at dito nila naaktuhang bumabatak ng shabu ang mga suspect,  na nagresulta nang pagkakadakip sa mga ito.

Ala-1:00 naman ng mada­ling araw ay nadakip naman ang mga suspect na sina Philip­pine Army Sgt. Carlos Erne; Josephine Bajador; Reynaldo Bechayda at Benson Gierza sa Ranger St. Purok 1A, Brgy. New Lower Bicutan,Taguig City sa isang buy-bust ope­ration. Nakumpiska sa mga suspect ang 5 pirasong plastic sachet  ng shabu, drug paraphernalia at 1 pirasong  P1,000 bill bilang  mark money.

Ang mga suspect ay sa­sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs.

OPERATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with