^

Metro

Dinukot na brgy. kagawad, natagpuang patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang barangay kagawad na nauna nang inireport sa pulisya na dinukot ng mga hindi nakikilalang mga lalaki sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDU), ang biktima ay kinilalang si Julius Dueñas, 37, barangay Kagawad ng Kamuning at residente sa Gener St., Brgy. Kamuning sa lungsod.

Ayon sa ulat ni PO3 Marlon dela Vega, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nadiskubre ang bangkay ng biktima sa kahabaan ng NIA Road,  Brgy. Pin­yahan dakong alas-3:40 ng madaling araw.

Samantala, base sa pagsisiyasat bago ang insidente, dakong alas-11, Huwebes ng gabi isang Wilfredo Crespo ang nagreport sa  Police Station 10, hingil sa umano’y pagdukot ng hindi naki­kilalang mga lalaki kay kagawad Dueñas sa Bernardo Park sa  Brgy. Kamuning da­kong alas-10:45 ng gabi.

Hanggang dakong alas-3:50 ng madaling araw nang makita nga ang bangkay nito kung saan nakagapos ang magkabilang kamay ng nylon cord.

Sa imbestigasyon na ginawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ay narekober ang dalawang basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril, apat na piraso ng plastic sachet ng shabu.

Patuloy pa rin ang isinasagawang im-bestigasyon sa insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with