^

Metro

P8-M tangay sa bahay ng trader

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P8 milyong halaga ng ari-arian ang natangay mula sa ta-hanan ng isang negosyan­teng babae ng hindi pa mabatid na suspek sa Brgy. Batasan Hills sa Quezon City, kahapon.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Louie Serbito ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), pinasok ng mga kawatan ang bahay ni Katrina Dimaporo Ramirez, 29, sa no. 21 Hanna St., Filinvest 2 Subdivision, Q.C.

Nakuha sa nasabing bahay ang mga mamahaling alahas, gadgets, pera at isang SUV na Hyundai Sta. Fe model 2015 na kulay pula at plakang ASA-4175. Nadiskubre ang pagnanakaw dakong alas-5:30 ng umaga.

Ayon pa sa ulat, wala ang may-ari ng nasabing bahay dahil nagbabakasyon ang pamilya ng mga ito sa Bohol at iniwan lamang ang pangangalaga sa dalawang katiwala na sina Lawrence Paagi at John Mike Empi-niado.

Bago madiskubre ang pagnanakaw, ala-1 ng madaling-araw, ayon kay Empiniado nagising umano siya sa tunog ng makina ng isang sasakyan. Nang kanyang tignan, nakita niya ang Hyundai na nakaparada sa garahe na paalis, pero inisip na lang umano ni Empiniado na si Paagi ang nagmamaneho nito dahilan para muli siyang bumalik sa pagtulog.

Alas-5:30 ng madaling- araw nang nadiskubre naman umano ni Paagi na wala na ang sasakyan sa garahe, dahilan para agad na tinungo nito ang master’s bedroom sa ikalawang palapag ng bahay para tingnan kung saan nadatnan niyang magulo at nagkalat ang mga gamit dito.

Ipinaalam ni Paagi ang insidente sa kanilang kapitbahay na si Norma Lauban na tumawag sa kanyang amo at inireport sa security office ng subdibisyon at pu-lisya. 

vuukle comment

ARTISTKO

VISPOP

VISPOP 2016

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with