‘Erap’ dedo sa tandem

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang 39-anyos na miyembro ng ‘Commando gang’ ang nasawi nang barilin ng riding in tandem habang ang una ay nakikipagkuwentuhan sa Tondo, Maynila. Idineklarang dead on arrival  sa  Mary Johnston Hospital  si Elwin Manalang, alyas Erap, ng  Sto. Niño St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa sentido at dibdib. Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa mga suspek  na tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-11:20 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa panulukan ng Moriones at Sto Niño Sts., Tondo Manila, sakop ng Brgy. 43 Zone 3.

Ayon kay Rey Edward Narrido, 22, binata, nag-uusap sila ng biktima sa likod ng isang nakaparadang jeepney nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang lalaki. Isa ang bumaba at  walang sabi-sabing binaril ang biktima. Matapos ang pa­mamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.

 

ANG ATILDE ELWIN MANALANG INAALAM MANILA POLICE DISTRICT MARLON SAN PEDRO MARY JOHNSTON HOSPITAL NBSP REY EDWARD NARRIDO STO NI TONDO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with