Mangingisda dedo sa sekyu
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Utas ang isa sa tatlong mangingisda na sinasa­bing nahuling nagnanakaw sa isang barge makaraang mabaril ng security guard sa South Harbor, Port Area, Maynila, kamakalawa ng madaling-araw.

Binawian ng buhay sa  Ospital ng Maynila ang biktimang si Michael Garcia, 39, ng B4 Baseco Old Site, Port Area, Maynila, dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Nakaratay pa sa nasa­bing pagamutan ang dalawang sugatang kasamahan nito na sina Leonardo Eson at John Paul.

Agad namang sumuko  sa Baseco Police Community Precinct (PCP) ang suspek na si Jeffrey Toralba, 28, ng Fairview, Quezon City, nakatalagang sekyu sa barge na nakadaong sa Manila Bay.

Sa ulat ni PO3 Jose Kabigting, ng Manila Police District-Homicide Section , dakong alas-5:30 ng umaga nang maaktuhan umano ng sekyu na inililipat ng tatlong biktima ang mga kahoy na ninakaw mula sa barge patungo sa kanilang bangka kung kaya pinaputukan niya ang mga ito.

Isang alyas Buboy pa umano ang nakatakas na tumalon sa dagat at hindi na inabutan.

ACIRC ANG BASECO OLD SITE BASECO POLICE COMMUNITY PRECINCT JEFFREY TORALBA JOHN PAUL JOSE KABIGTING LEONARDO ESON MANILA BAY MAYNILA PORT AREA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with