Malaking rollback sa susunod na lingo

P5/L diesel, P4/L gasolina
MANILA, Philippines — May nakaamba ulit na malakihang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.
Ito ay ayon sa pagtaya ng isang oil industry source, na base sa estimate ng Mean of Platts Singapore trading at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw.
Ayon sa source, ang presyo ng diesel ay inaasahang bababa ng mula P4.00 hanggang P5.00 kada litro habang
P3.00 hanggang P4.00 kada litro naman sa gasolina .
“Diplomatic headlines continue to push oil prices lower this week despite lingering supply risks,” pahayag pa ng source.
Ang pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ay karaniwan nang iniaanunsiyo ng Department of Energy (DOE) at ng mga kumpanya ng langis tuwing araw ng Lunes at ipinaiiral naman kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest















