Sekyu utas sa tandem
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang 44-anyos na security guard na nakatalaga sa Gate 4 ng Old BIR Building, matapos barilin ng isa sa riding-in-tandem habang nasa loob ng guard house sa Port Area, Maynila, kamaka-lawa ng gabi.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Danilo Suarez subalit idineklarang dead on arrival  dahil sa tinamong bala sa mukha at likod ng ulo mula sa ‘di pa tukoy na kalibre ng baril.

Hindi naman naplakahan ang kulay itim na “Barako” motorcycle na sinasakyan ng dalawang hindi nakilalang suspek . Inilarawan ang gunman na nakasuot ng maong na pantalon, puting t-shirt at army cut ang buhok habang ang nagsilbing driver ay hindi nailarawan.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan kay Manila Police District Homicide Section, chief Senior Insp. Rommel Anicete, naganap ang insidente dakong alas 9:05 ng gabi ng Disyembre 30, sa Gate 4, Old BIR Building.

Habang naka-duty ang biktima ay nakarinig ang kaniyang kasamahang sekyu ng putok ng baril kaya inalam ito at nakitang nakahandusay na ang duguang biktima.

Ang gunman umano ay lumapit pa sa suspek bago ito binaril habang ang driver ay ginawa pang pulutin ang basyo ng bala bago sila tumakas sakay ng nasabing motorsiklo na hindi naplakahan.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente para matukoy ang pagkilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.

ANG BARAKO DANILO SUAREZ DISYEMBRE GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER HABANG MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION MILBERT BALINGGAN PORT AREA ROMMEL ANICETE SENIOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with