_ngayon
^

Holdaper-killer ng estudyante, arestado

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 9, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Timbog sa follow-up operation ng Manila Police District-Homicide Section ang isang 32-anyos na snatcher/ holdaper na pumatay sa isang 17-anyos na estudyante ng University of Manila (UM) sa loob ng pampasaherong jeep, sa Quiapo, Maynila, kamaka-lawa ng umaga.

Sa ulat ni  SPO2 Jonathan Bautista, hawak na nila ang suspek na si Richard Pring,  alyas Target, alyas Richard Tenorio, 32, miyembro ng Batang City Jail at residente  ng Grace Park, Caloocan City.

Ang suspek ang inginusong pumatay sa biktimang si Renzo Rey Bodoy, ng Pandacan, Maynila alas-6:30 ng umaga kamakalawa, habang sakay ng pampasaherong dyip na binabagtas ang ibabaw ng Quezon Bridge, sa Quiapo.

Aminado ang suspek sa pagpatay sa biktima na nagsabing nakainom siya ng alak at ayaw umanong ibigay ng biktima ang bag nito kaya niya sinaksak.

Isinampa na ang kasong robbery with homicide laban sa suspek na iprisinta pa ka­hapon kay Manila Mayor Joseph Estrada.

Nabatid na bukod sa napatay na si Bodoy, isang 27- anyos na pasaherong si alyas “Jacklyn” ang naospital din bu­nga ng mga gasgas at pasa nang mapilitang tumalon sa jeep dahil sa takot  nang holdapin at saksakin ang kapwa pasahero. Siya din ang nagkuwento na kahit nasaksak na si Bodoy ay nakatalon pa ito upang umiwas subalit hinabol ng suspek at muling pinagsasaksak.

Nadakip ng mga tauhan ng Homicide Section ang suspek alas-8:30 ng gabi, kamaka-lawa sa tulong ng impormante mula sa MPD-station 3. Nasa labas ito ng kaniyang bahay ng madatnan ng mga operatiba na hindi na nakaporma nang makorner.

ACIRC ANG BATANG CITY JAIL BODOY CALOOCAN CITY GRACE PARK HOMICIDE SECTION JONATHAN BAUTISTA MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION MAYNILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with