^

Metro

2 anak, niluray ng ama

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang isang ama makaraang ituro ng da­lawa niyang anak na paulit-ulit na gumahasa sa kanila sa kanilang bahay sa Malabon City. Nakilala ang suspek na si Bernal Mendoza, 45, biyudo, tindero at residente ng Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.  Nahaharap ito ngayon sa 2 counts ng rape sa Malabon Prosecutors Office.

Sa ulat, dumulog sa Malabon Women’s and Children’s Protection Desk ang mga biktimang sina alyas Mary, 18, at Jane, 12, kasama ang kanilang tiyahin at isinuplong ang amang si Mendoza dakong ala-1 ng madaling araw. Ayon sa nakakatandang si Mary, inumpisahan siyang gahasain ng ama noon pang Dis­yembre 2012. Nanahimik lamang umano siya dahil sa pananakot ng kanyang ama.

Ngunit nang magsumbong ang nakababatang kapatid na si Jane na ginahasa siya ng ama kamakalawa ng gabi, nagpasya na itong magsumbong sa tiyahin na nagsama sa kanilang magkapatid sa istasyon ng pulisya at ipadakip ang ama. Ayon pa kay Jane, una siyang niluray ng ama nitong Hulyo 25 ngayong taon at halos ginagabi-gabi na siyang hinahalay.

vuukle comment

ACIRC

AMA

ANG

AYON

BAGSAK

BERNAL MENDOZA

BRGY

MALABON CITY

MALABON PROSECUTORS OFFICE

MALABON WOMEN

PROTECTION DESK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with