_ngayon
^

Aksidente sa EDSA nabawasan din -- MMDA

Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Inamin mismo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bumaba ang bilang ng aksidente sa kahabaan ng EDSA  matapos na mag-take over sa panga­ngasiwa dito ang PNP-Highway Patrol group (HPG).

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Operations Emerson Carlos, na mayroon lamang 23 aksidente na naitala buhat Sept. 7 hanggang kahapon Sept. 8 sa EDSA,  kumpara sa 37 accidents na iniulat noong Sept. 6, (Linggo). Lunes nang magsimulang pangasiwaan ng HPG ang EDSA.

Karamihan umano sa mga sasakyan na sangkot sa traffic accidents ay mga pribado kasabay nang pagsasabing nasa 90 porsiyento ng behikulo na dumadaan sa EDSA ay mga pribado.

Ipinaliwanag pa nito na ma­tapos mag-take over ang HPG sa pagsasaayos ng tra­piko sa 23.8 kilometer ng EDSA, ang mga nadisplaced naman nilang traffic enforcers ay kanilang ikinalat sa ibang pangunahing lansangan katulad ng C-5 at Commonwealth Avenue.

Aminado din si Carlos na ang trapik sa EDSA ay pa­tuloy na nagkakaroon ng pagba­bago kasabay nang pagbaba ng bilang ng aksidente dito.

ACIRC AMINADO ANG ASSISTANT GENERAL MANAGER AYON COMMONWEALTH AVENUE EDSA HIGHWAY PATROL INAMIN METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY OPERATIONS EMERSON CARLOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with