_ngayon
^

Metro

Retired police todas sa hired killers

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay sa mga hired killer ang isang retiradong pulis Maynila matapos na pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang pinapasadang AUV kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot si SPO1 Salvador Legaspi, ng Asuncion St. Tondo, Maynila at kasalukuyan ring barangay kagawad sa Brgy. 47 Zone 3.

Nagsasagawa naman ng follow up operation ang mga tauhan ng Manila Police District laban sa pitong kalalakihan na nagpanggap na mga  pasahero ng biktima. Sinasabing ang gunman ay nasa edad 20 hanggang 30-anyos at nakasuot ng kulay itim na t-shirt at short at  naka -bull cap ng kulay  itim.

Sa inisyal na  imbestigas-yon ni SPO2 Donald Panaligan ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:15 ng umaga, nang maganap ang pamamaril sa panulukan ng Moriones at  Road 10 sa Tondo.

Kasalukuyang nagma­ma­sada ang biktima dala ang kanyang puting Nis- san Urvan (ZNT-843) patu­ngong  Ayala, Makati at habang nagtatawag naman ng pasahero ang isang Ernesto Alapide ay duma-ting ang apat na lalaki at sabay-sabay na sumakay at pumuwesto sa likod ng driver seat.

Dahil sa utos ng misis ni Legaspi  na huwag magpa­sakay ng lalaki sa gitna, pi­nalipat ni Alapide ang mga lalaki sa likod na agad namang sumunod maliban sa gunman na naka-bull cap.

Dito na dumating ang tatlo pang lalaki na sumakay sa hulihan, hanggang sa mapuno. Ilang minuto pa lamang ang nakararaan ay  biglang pinaputukan ng  gunman si Legaspi at sabay-sabay na nagpulasan ang iba pang pasahero.

Naglakad lamang papalayo ang mga suspek at nang makakita ng isang pampasaherong jeep na biyaheng Ilaya–Dagat Dagatan ay pinara  ito at doon sumakay papatakas.

Ayon naman kay Insp.Paul Dennis Javier, hepe ng Homicide Section, may lead na sila kung saan kita sa Closed Circuit Television (CCTV) ang naganap na krimen.

Isa aniya sa pinagtutuunan ng pansin ngayon ay ang pagiging pangulo ng biktima ng samahan ng mga driver at operator sa lugar.

ACIRC ANG ASUNCION ST. TONDO CLOSED CIRCUIT TELEVISION DAGAT DAGATAN DONALD PANALIGAN ERNESTO ALAPIDE HOMICIDE SECTION LEGASPI MAYNILA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with