Bagong OIC sa EPD itinalaga
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Itinalaga ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang bagong Officer-In-Charge (OIC) ng Eastern Police District (EPD) na siyang nakakasakop sa Mandaluyong City, San Juan, Marikina City at Pasig City.

Si P/Supt. Wilson Cayanong Caubat ay itinalaga bilang bagong OIC-Director ng EPD kapalit ng nag­retirong si P/Chief Supt. Abelardo Villacorta. Ang pagtatalaga kay Caubat ay isinagawa sa tanghalang Pasigueño sa Pasig City na dinaluhan at pinangunahan ni P/Chief Supt. Joel Pagdilao na siyang OIC-Director ng National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Caubat na sisikapin niyang tapatan kung hindi man malampasan ang mahusay na pamumuno sa EPD ni Villacorta na nagretiro matapos ang 36 na taon sa serbisyo bilang isang magiting na pulis.

ABELARDO VILLACORTA CAUBAT CHIEF SUPT EASTERN POLICE DISTRICT JOEL PAGDILAO MANDALUYONG CITY MARIKINA CITY NATIONAL CAPITAL REGION PASIG CITY PHILIPPINE NATIONAL POLICE SAN JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with