^

Metro

3 ‘Batang Hamog’ huli sa akto

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ang  tatlong ‘Batang Hamog’ matapos na magnakaw sa isang taxi, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Ang mga suspek ay kinilala lamang sa kanilang pangalang Aris; RJ, kapwa 15-anyos at Tado, 8-anyos, ang mga ito ay nakatira sa panulukan ng FB Harrison at Libertad St., ng naturang lungsod.

Samantala, kinilala naman ang kanilang na­ging biktima na si Renato Teotesio, 56, taga-Bi­cutan, Taguig City.

Ayon sa report na na­tanggap ni Chairman Aros San Miguel, ng Brgy. 76, Zone 10 ng naturang lungsod, naganap ang in­sidente alas-3:29 ng hapon sa may Dampa, kahabaan ng Macapagal Ave. ng naturang lugar.

Nabatid na nakapa­rada ang pinapasadang taxi ni Teotesio sa naturang lugar habang ang mga suspek naman ay nagkukunwang nagta­tawag ng pasahero.

Napansin ng mga suspek na bahagyang bukas ang bintanang salamin ng taxi ni Teotesio at dito sumalisi ang tatlo.

Habang lookout sina Tado at Aris, si RJ naman ang kumukuha ng pera sa taxi na nagkakahalaga ng P1,400, na kinita sa pamamasada ng biktima.

Napansin naman ito ng driver na si Teotesio, dahilan upang humingi ito ng tulong sa barangay, na nagresulta nang pagkakaaresto sa mga naturang ‘Batang Hamog’.

Dinala ang tatlo sa barangay at ayon sa ina ni Aris, ginulpi umano ang kanyang anak. Su­balit, ayon sa barangay, ang gumulpi kay Aris ay ang sariling ina nito para magpakitang-gilas na dinidisiplina niya ang kanyang anak.

Sa rekord ng ba­rangay, ang mga suspek ay sangkot sa ilang serye nang pagnanakaw sa naturang lugar at itinu­ring silang sakit ng ulo ng komunidad.

ACIRC

ANG

ARIS

BATANG HAMOG

CHAIRMAN AROS SAN MIGUEL

LIBERTAD ST.

MACAPAGAL AVE

NAPANSIN

PASAY CITY

SHY

TEOTESIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with