Prison guard, 4 pa tiklo sa pot session
Angie dela Cruz, (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Lima katao kabilang ang isang prison guard ang nahuli sa aktong nagpa-pot-session sa Muntinlupa City.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Allan Nobleza, hepe ng Mun­tinlupa City Police ang mga suspek na sina Simplicio Santos, 51, prison guard; Lea dela Cruz, 30; Mercidita de Vera, 54; Christian Cabrera, 28 at Sheila Repuya, 32, pawang mga taga-Tesuan Site, Ba­rangay Poblacion.

Nakatanggap ng impormasyon ang Muntinlupa City Police na nagsasagawa ng pot session ang mga suspek kaya bandang alas-9 ng gabi ay sinalakay ang lugar.

Nakumpiska sa mga ito ang pitong pirasong plastic sachet ng shabu at paraphernalia.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165  (Comprehensive Drugs Act) ang mga suspek.

 

ACIRC ALLAN NOBLEZA ANG CHRISTIAN CABRERA CITY POLICE DRUGS ACT MUNTINLUPA CITY MUNTINLUPA CITY POLICE POLICE SR. SUPT SHEILA REPUYA SIMPLICIO SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with